Ayon kay Vito Orcullo, vice president for Mindanao ng nagtataguyod na Professional Group (TPG) na ang pagpapalit ng kanilang pangalan ay kanilang ibinabatay sa dynamic at fighting image na hangad nilang i-project para sa Eagles ngayong taon.
Kulang sa opensa noong nakaraang taon, ang Eagles ngayon ay mas higit na malalaki at matataas upang mas higit na makasabay sa iba pang koponan sa MBA lalo na sa Southern Conference.
Bukod sa 6-foot-6 na si Billy Mamaril, hinugot rin ng bagong mentor na si Bong Go ang serbisyo nina 65 Jan Montalbo, dating manlalaro ng Cebu; 64 1/2 Jon Dan Salvador ng College of St. Benilde; 64 Cid White, dating manlalaro ng Negros; 64 Brandon Sison at 63 Glenn Peter Yap.
Sinabi ni Orcullo na nakatakdang dumating ngayong araw si White upang lumagda ng kontrata, habang pumayag naman ang Alaska na pakawalan na si Yap.
Ang iba pang manlalaro ng Eagles ay sina 510 Michael Manigo, 60 Bong Marata, 60 Genesis Sasuman, 64 1/2 Rolly Menor, 65 Erian Daja, 62 Dennis Concha at 60 Peter June Simon, ang 2001 Discovery of the Year.
Makakatulong naman ni Go sa Eagles bench sina Ronel Leuterio, ang dating assistant ni Go sa College of St.Benilde at ang homegrown coach na si Ben Sintos.
Itinalaga namang general manager ang abogadong si Emmanuel Ridad at tatayong team manager si Michael Sison ng Eagles na naka-grupo sa Cebuana Lhuillier Gems, Cagayan de Oro Amigos at RCPI Negros Slashers.
Ang mga bumubuo naman sa Northern Conference ay ang kasalukuyang titlist LBC Batangas, Pangasinan, Pampanga at baguhang Olongapo.