PBL Challenge Cup: Shark lumapit sa semis

Sumandal ang defending champion Shark Energy Drinks sa kanilang mga beterano sa huling tatlong minuto ng labanan upang itakas ang 84-76 panalo kontra sa Ateneo-Pioneer kahapon na naglapit sa kanila sa awtomatikong semifinal slot ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum

Pinangunahan ni Jing Rodriguez ang Sharks sa paghakot ng 18-puntos habang nagdagdag naman si Chester Tolomia ng 16-puntos, 11-rebounds at 3-assists nang magsanib ang kanilang puwersa sa huling bahagi ng labanan kung saan nalimitahan sa 5-puntos lamang ang Blue Eagle Insurers.

Ang Power Boosters na nagtala ng ikasiyam na panalo sa 13-laro ay kina-kailangang manalo kontra sa Montana sa Huwebes upang masiguro ang no. 1 spot.

Nalasap naman ng Ateneo-Pioneer ang ika-siyam na pagkatalo sa 13-laro na naglagay sa kanilang sa balag ng maagang pagkakatalsik sa kontensiyon.

Show comments