Humakot si Wesley Gonzales, ang standout player ng Ateneo de Manila University sa UAAP basketball tournament ng 15 puntos, 10 sa fourth canto para sa ikalawang sunod na panalo ng Kutitap matapos mabigo sa kanilang opening game.
Nalasap naman ng Power Boosters ang kanilang ikalawang sunod na pagkatalo matapos mamayagpag sa kanilang unang laro sa ikalawang kumperensiyang ito.
Katulong ni Gonzales sina Rensy Bajar at Francis Mercado na tumapos ng tig-13 puntos upang sapawan ang eksplosibong performance ni Gilbert Malabanan na nagtala ng 25 markers ngunit nauwi lamang sa wala bunga ng kanilang pagkatalo.
Samantala, kumpirmado na ang paglahok ng Ateneo at De La Salle sa kumperensiyang ito na nakatakdang mapasabak sa Huwebes.
Masisilayan na ng mga panatiko ng basketball ang muling pagsabak sa aksiyon ng De La Salle at Ateneo sa Huwebes Nov. 15.
Dadalhin ng De La Salle ang pangalan ng International Container Terminal Services Inc., (ICTSI) sa kanilang pakikipaglaban sa Ana Freezers sa alas-5:30 ng hapon, habang babanggain naman ng Ateneo-Pioneer ang Montana Jewels sa alas-3:30 ng hapon.