Kumamada si Allan Salansang ng 21 puntos, 11 rebounds, tatlong assists at dalawang blocks upang ihatid ang Teeth Sparklers sa ikatlong sunod na panalo, habang nalasap naman ng Lubricants ang ikaapat na dikit na kabiguan matapos ang 64-67 pagkatalo sa mga kamay ng Silka noong isang araw.
Binawian naman ng Spring Cooking Oil ang La Union Selection, 93-66 para sa kanilang ikalawang panalo matapos ang tatlong laro.
Pinangtulungang iahon nina Mario Reyes at Ricky Ricafuente ang Cooking Oil Masters upang mapanatiling malinis ang kanilang record at makuha ang ikalawang puwesto sa Group A sa likod ng Welcoat Paints.
Hindi nagpahuli ang Whiz sa unang canto nang makalapit sa 22-21, pero nanalasa si Salansang ng 11 puntos upang palobohin ang kalamangan ng Hapee sa 42-30, 3:53 ang oras sa second quarter.
Nagawang ibaba ng Lubricants ang abante ng Hapee sa 10 puntos, 54-64, pero isinara ng Teet Sparklers ang third canto sa 14-0 blast para sa 78-54 margin na kanilang dinala sa 94-56 sa kalagitnaan ng final canto upang iseguro ang kanilang panalo.
Sa iba pang laro, pinabagsak ng Chopat ang Grandtex, 80-74.
Inukopahan ng Grandtex ang slot para sa Kuwait National team na hindi na sumali sa tournament.