Nalimitahan ang Adamson Falcons sa anim na puntos sa final canto at humakot naman ng 16 puntos ang FEU Tamaraws na umangat sa 4-1 panalo-talo upang manatili sa liderato.
Kumana sa free throw area ang Far Eastern sa ikaapat na canto sa pangunguna nina Rysal Castro at Cesar Catli habang nalimitahan na-man ang Adamson sa 2-of-12 field goal shooting sanhi ng kanilang ikalimang sunod na kabiguan.
Papasok sa ikaapat na quarter, hawak ng Falcons ang 52-51 bentahe nang tapusin ni Michael Yong ang 8-2 run sa pamamagitan ng kan-yang tres sa ikatlong quarter.
Sa unang juniors game, inilampaso ng La Salle ang National University, 106-64 upang ilista ang kanilang ikatlong panalo sa 5 laro at ikaapat na sunod na kabiguan ng Bullpups.
Sa womens divisions, tinalo ng De La Salle ang Ateneo de Manila University, 61-39, nanaig naman ang FEU sa UP, 46-45.