Ginamit ni Nava, isang third year student ng Carmona National High School (NHS) ang Queens Pawn opening upang makipaghatian ng puntos kay Ballecer ng Pres. Elpidio Quirino NHS. Tumapos si Nava ng kabuuang output na 4.5 puntos na may apat na panalo upang masungkit ang top prize na P1,500.
Si Ballecer ay nakatabla mula sa 2th hanggang 6th place kina Grade Six pupil Gil Biag ng Dasmariñas, 2nd year Jan Vincent Paragua ng St. Marys Academy, 3rd year Eugene Pimentel ng Ramon Magsaysay at Bernard Templo ng Ateneo na may apat na puntos bawat isa. Sila ay naghati-hati sa cash prize P2,200. Nakatakda ang susunod na MCC events sa Marso 11-2050 below at Marso 18 Elementary Boys & Girls active chess. Para sa iba pang detalye tumawag sa 8268560.