Benipayo at Magbual, bumandera sa National Open Duckpin Tourney

Nagrolyo si Fess Benipayo ng CORDBA at Inez G. Magbual ng D’Friendly ng 407 at 373 pinfalls, ayon sa pagkakasunod upang bumandera sa men’s at ladies singles (A&B) event ng kasalukuyang 26th National Open duckpin bowling championships sa Market place Center sa Mandaluyong City.

Nasilat ni Benipayo sina Jun Flores (399), Louie Tandigan (393), Tony Huelva (378) at Hermie Castillo (372), habang ginapi naman ni Magbual ang mga kalabang sina Claire Cruz (362), Cynthia Salviha (333), Remy Princesa (330) at Genna Gregorio (330).

Bumandera naman sa class C singles sina Ador Castada at Grace Padrers na nagtala ng 386 at 366, ayon sa pagkakasunod.

Show comments