“AYOS naman kami dito. Hindi naman kami sinasaktan. Paki sabi na lang po sa pamilya ko…”
Laman ng isa sa mga dokumentong aming natanggap mula sa embahada ng Doha Qatar. Ito ay batay sa isinagawang report ni Charge d’ Affaires, ai Jabbar M. Adiong ng Department of OUMWA’s appropriate action patungkol sa kondisyon ng 11 Pinoy Workers na kasalukuyang nakakulong sa Umm Salal Jail. Doha Qatar.
Buwan ng Disyembre 2010 nagsadya sa aming tanggapan ang asawa ng dalawa sa bilanggong Overseas Filipino Worker’s (OFW’s). Sila ay sina Analea “Lea” Yumol at Marilyn “Malen” Santiago. Hinihingi nila ng tulong nun ang asawang si Virgilio Yumol at si George Santiago. Parehong nasangkot sa kasong umano’y pagnanakaw at pagbebenta ng cable wires na mahigpit na pinagbabawal ng kumpanyang kanilang pinapasukan. Ang Alpha Beton Ready Mix Co. WLL.
Dalawang buwan makalipas isang sitenta’y kwatro anyos na ginang naman ang lumapit sa amin para rin ihingi ng tulong ang anak nakukulong rin sa Umm Salal Jail. Siya si Maria Remedios Nacor. Ang ina ni Ranel, isa rin sa mga bilanggong Pinoy.
Agad kaming nakipag-ugnayan sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kay Usec. Rafael Seguis ukol sa usaping ito. Naging mabilis ang aksyon ni Usec. Seguis. Sa tulong na rin ng Ambassador ng Doha. Si Amba Cres Relacion nag-atas ang DFA ng abugado. Nagbayad sila ng nagkakahalagang US$3,291.51 o 4,000 Qatari Rials (ang katumbas ay humigit kumulang Php150,000. Ito ay para i-represent sila at makiusap kung pwedeng pabalikin na lamang sila sa Pilipinas. Kasama na dito si Ranel.
Ilang beses nagkaroon ng paglilitis ng kaso ng 11 Pinoy. Umamin sila sa Korte na nagawa nila ang pagnanakaw ng kable.
Abril nitong taon, nakatanggap kami ng liham mula sa kababayan nating bilanggo. Pinarating nila sa amin na ang apat nilang kasamahang nasintensyahan na ng isang taong pagkakabilanggo.
Kabilang dito ang asawa ni Malen na si George A. Santiago. Si Virgilio V. Yumol, ang mister ni Leah. Edgar B. Flaminiano at Issas Z. Demisana.
Ang sintensyang ito ay saklaw ng batas sa ‘Koran’ na tinatawag na ‘Sharia Law’ na ilang ulit na rin naming ipinaliwanag kina Remedios, Leah at Malen. Dito maari silang masintensyahan dahil sa kanilang pag-amin. Kung hindi sila papatawarin ng kanilang kumpanya kailangan muna nila tapusin ang kanilang sintensya.
Maliban sa mga listahan ng mga nahatulan ng isang taong pagkakabilanggo at mga bagong bilanggong Pinoy sa Umm Salal na sina Rommel Boral, Joriel Ramirez at Pablo Fernandez Jr. Ikinabahala namin ang mismong laman ng kanilang sulat. Ito ay tungkol umano sa pangto-‘torture’ ginawa sa kanila sa loob ng selda at umano’y pagpapabaya sa kanilang kaso.
Finorward namin ang mismong liham na ito kay Usec. Seguis para kanilang aksyunan. Para rin makakuha ng kasagutan sa hinaing ng ngayon’y katorseng Pinoy ng mga bilanggo at maiparating ito sa kanilang mga pamilya.
Tulad ng aming pinangako. Ilalahad namin ang naging tugon ng ating embahada kina Ranel.
Nung ika-21 ng Mayo nakatanggap kami ng pinagsama-samang dokumento mula sa ating embahada sa Qatar. Kung saan tinatanggi nila ang umano’y kanilang pagsasawalang bahala sa ating mga kababayan sa Doha. Ang mga sumususunod ang laman ng kanilang liham:
On May 21 2011, TIW Nasser Macarimbang attended the scheduled case hearing. During the said hearing. Mr. Khalid Al-Dhahan, the arresting police officer, informed the Court that the accused OFW’s (including 6 other nationals) admitted the investigation that they had stolen copper cable wires.
On 20th of April 2011, Post’s ANU representatives visited Central Jail. However, they were not able to talk with OFW’s George Santiago. Issas Dimasana, Virgilio Yumol and Edgar Flaminiano, who were earlier sentenced to one (1) year imprisonment. They were in the Court of appeals requesting for lower sentence.
In contrast to their claim that ‘this is not true because there’s no evidence…we are not doing anything,’ Post notes that subject OFW’s admitted the charges when they were first visited by Vice Consul Segarra at Ak Khor Jail on 12 November 2010.
On their claim that they were arrested while they were sleeping, please note that they were arrested at different times within the period of 15-17 October 2010
and some of them were arrested in the area where the metal scraps are stocked.
Post would also like to angle that as practiced, police investigator and prosecutor will require a translator to explain/translate the Arabic statements into English or into Filipino before the accused are made to sign the documents.
The allegations that there was no lawyer and Embassy representatives during court hearings we’re baseless. Post hired the services of Atty. Noora Sarhan to act as their legal counsel and to represent them in court hearings. Post TIW Macarambing also regularly attends to hire a lawyer. Subject OFW’s were also regularly visited in jail. (Jabbar M. Adiong-Charge d’ Affaires)
Ito ay pirmado ni Charge d’ affaires Adiong.
Itinampok namin ang report ng embahadang ito sa CALVENTO FILES sa radyo. Ang “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882 KHZ (tuwing 3:00-4:00 ng hapon).
Kalakip ng sulat ang Jail/Deportation Visit Form ng Philippine Embassy Qatar ng siyam sa 14 na Pinoys. Nakasaad dito ang mga impormasyon tungkol sa mga bilangong Pinoy maging ang personal na bilin nila Ranel sa kanilang pamilya.
ROMEO LABADOR, BUTCH DELA CRUZ CABANILLA, EDILBERTO COLO PABILAN, JAIME EBRADA, JR., RANEL NACOR, PABLO FERNANDEZ, ARVIN PALAD MAGSANOC, ROMEL BORAL
Karamihan sa kanila nagsasabi na ayos naman ang kalagayan nila at huwag mag-alala ang kanilang pamilya. Ang tanging hiling nila ay makauwi sila sa ating bansa sa lalong madaling panahon para magkasama-sama silang muli.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagdinig ng kaso, patuloy naming tutukan ang kasong ito at agad naming ipaparating sa inyo.
Minsan pa nais naming magpasalamat kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs at Amba Cres Relacion sa pagtutok nila sa kasong ito. Mabuhay ang DFA! (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.
* * *
Email address: tocal13@yahoo.com