—MOISES DE JESUS, Concepcion, Marikina City
Ang cancer sa bayag o testicular cancer ay ang pagkakaroon ng malignant cells sa mga bayag mismo. Mara-ming uri ang malignancy at karaniwang nagkakaroon ang mga kalalakihan na ang edad ay 30 pababa.
Hindi matukoy ang dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa bayag subalit ang mga kabataang lalaki na may undescended testicle o ang tinatawag na cryptorchidism mula pa noong sila ay ipinanganak ay mataas ang posibilidad na magkaroon ng cancer. Sintomas ng cancer sa bayag ay ang pagkakaroon ng bukol na hindi gumagalaw sa scrotum. Lumalaki ang bukol at masakit. Kapag nakapansin ng bukol ang mga kalalakihan, huwag mag-atubiling kumunsulta sa doctor.
Maraming treatment sa cancer sa bayag at kabilang dito ang operasyon. Aalisin ang apektadong bahagi ng bayag. Ang chemotherapy at radiotheraphy ay kabilang din sa treatment.
Maraming uri ng cancer sa bayag ang nagagamot kapag natuklasan nang maaga. Kabilang sa mga preventive measures ay ang buwanang eksaminasyon sa bayag.
Kahit natanggal na ang isang bayag, maaaring ma-maintain ang fertility at normal ang sexual function.