Liwanag sa dilim

Wala pang isang buwan mula nang ipangako ni Energy Sec. Angelo Reyes ang “uninterrupted power up to June” ay heto na’t nag-umpisa na ang mga 2-3 hour rotating brownouts sa Metro Manila. Maski ang tanggapan ng   Philippine STAR ay hindi nakaligtas – sa salu-salo ng Editorial staff  kay Defense Secretary Gibo Teodoro nung Lunes, hindi nangangalahati ay bigla kaming nilisan ng kuryente.

Matagal na rin tayong hindi naka-enkuwentro ng      power outage. Noong panahon ni President Cory, naging araw-araw nating realidad ang mga nakasusuyang brown-out na resulta ng kawalan ng plano. Ang magkasunod na administrasyong Marcos at Aquino ay hindi napaghan-    daan ang kakulangan ng kapasidad ng pagprodyus ng    electric power. Ang inaasahan sanang solusyon ng Ba-    taan Nuclear Power Plant ay ibinasura nang wala namang sasalo sa kapasidad. Kaya napilitang kumapit sa pata-       lim at lulunin ang mapait na resetang FVR na mabilisang independent power plant basta’t garantisadong baba-    yaran ang output, gamitin man ito o hindi.

Akala ng karamihan ay tanging sa Mindanao ang problema ng kawalan ng kuryente. Sa naganap na brownouts itong mga nakaraang araw ay nawala ang pagka-kampante ng mga taga Luzon (Sual plant lang sa Pa­ngasinan ang nagsara, tiklop agad ang Metro Manila). Huwag nang isipin kung anong trahedya ang idudulot nito sa halalan. Ang kawalan na lang ng negosyo at ang per­wisyong dadanasin sa pang-araw-araw na buhay ay      sapat na upang mataranta.

Habang ang iba’y sinisisi ang El Niño o di kaya ang panghuhuthot ng mga lokal na opisyal sa mga nais magta-yo ng power plant sa probinsiya, si Sec. Gibo Teodoro sa kanyang pakikipanayam sa STAR ay nagpaalala na ka-    hit may short-term solution sa mga power barges na     pwedeng iangkat, mas ma­halaga sanang isipin ang long-term solutions para sa ating mga anak. Ano nga naman ang kahihinatnan nitong mga pansamantalang pamasak kung hindi natin alam ang patu­tungu­han?

Nakikiisa tayo sa pagta­-wag ng Energy summit sa la­long madaling panahon upang matugunan habang maaga ang problema sa elektrisidad na siguradong haharapin.

Kumilos na sana habang may araw pa dahil mas lalo tayong mahirapang magtra­baho sa dilim.

Show comments