Goodbye 2009

BAGONG TAON, bagong pag-asa. Eighty nine percent ang nananalig na gaganda ang buhay this year. Maiiwan na natin, sa wakas, ang mga kalamidad ng 2009 at ang bangungot ng administrasyon ni Gng. Arroyo.

Nang magsimula ang panunungkulan ni Gng. Arroyo, halos wala tayong ekspektasyon. “Anyone but ERAP”   ang emosyon ng EDSA II – kaya’t pikit matang tinanggap si GMA kahit labag ang proseso sa Saligang Batas. At dahil utang niya sa sari-saring grupo ang kanyang pananatili sa puwesto, ni minsa’y hindi pinanindigan ni Gng. Arroyo ang interes ng taong bayan laban sa interes ng pinag­kakautangan. Kanino naman magrereklamo     ang taong bayan kung mismong sila ang pikit matang nagpuwesto kay Gng. Arroyo?

Paninindigang gawin ang tama, kahit makasagasa – ito higit sa lahat ang pinagkait sa atin itong nakalipas na nine years. Kaya naman mangha ang taumbayan kapag may nagpamalas ng ganitong katangian tulad na lang     ni Defense Secretary Gilberto “GIBO” Teodoro ng LAKAS-Kampi-NUCD.

Firm and decisive action sa agarang pagsuka sa      mga Ampatuan sa Partido; ang paghamon sa COMELEC na linawin ang kapasidad na maituloy ang automation; ang walang kondisyon na suporta sa paggamit ng Martial Law sa Maguindanao — lahat kontrobersyal at maaring maka­sa­gasa. Malamang sarili pang tsansa ang maapektuhan. Malinaw sa lahat na si GIBO’y maaa­sahang gawin ang tama, batu-bato sa langit tamaa’y hu­wag magalit.

Sa pinakahuling Manila Bulletin Online Survey, sa 64,809 na bumoto, nanguna si GIBO with 29,195 (45%) at sumunod si Noynoy with 25,549 (39%). Isa itong indikasyon ng pagpapa­halaga ng Pilipino sa ga­nitong katangian sa kan­didato.

Sana nga’y umiral na ang mas matalinong pag­suri ng kakayahan at ka-    ta­ngian ng mga tatakbo. Kung paniwala mo’y bigo sa pagpili ng Pangulo sa na­kalipas, siguruhin na nga­yo’y titimbangin ang lahat at hindi padalos-dalos sa pagpasiya. Sa pagpaa-    lam natin kay Gng. Arroyo, goodbye na rin dapat sa mentalidad na nagsilbing daan upang ang lipunan     ay maagrabyado ng mga pinunong hindi napag-isi-pan ng masinsinan.

Sa lahat, mainit na pag­bati para sa isang mani­gong bagong taon!

Show comments