SUMIKAT na naman ang mga Pinoy nang manalo si Manny “Pacman” Pacquiao. Itinuturing ngayon si Pac-man na “the best fighter of all time in boxing “. Walang maihahambing kay Pacman sapagkat siya lamang ang nakakuha ng pitong world titles sa kasaysayan ng bok-sing. Maipagmamalaki talaga siya ng mga Pinoy.
Sabi ng mga nakausap kong Pinoy dito sa US, nadama nila ang pagkakaiba ng pakikitungo sa kanila ng ibang lahi mula nang manalo si Pacman. Mas naging malapit at mainit ang pakikipagkaibigan sa kanila ng mga dating hindi pumapansin sa kanila. Malimit na silang tanungin ukol sa mga Pilipino. Naging interesado sa mga pagkaing Pilipino at nagtatanong na kung saan ang mga lugar-bakasyunan sa Pilipinas.
Kasabay naman ng mainit na usapan kay Pacman, naging mainit dito ang tungkol sa mga Pinoy singers at entertainers na binibigyan ng standing ovation ng mga Amerikano tulad nina Charice Pempengco, Arnel Pine-da, Apl d Ap at Cheryl Burke.
Natutuwa ako sa pagsikat ng mga Pinoy. Natatakpan nito ang mga balitang umalingasaw na may kaugnayan sa korupsiyon. Kabilang ang Pilipinas sa mga corrupt na bansa — ika-139th. Bukod diyan, may kidnapan at patayan pang nangyayari.
Lalong natakpan ang masamang isyu nang umariba si Pacman, kaya nararapat lang siyang pasalamatan. Nararapat ipagbunyi ang kanyang naipagkaloob na tulong sa bansa. Dasal ko lang, sana magkaroon pa nang maraming Pacman para lalo pang makilala ang Pinas. Sa boksing pala makikilala ang Pilipinas kong mahal. Salamat Pacman.