Honesty is a rare virtue

Ang sabi ni Billy Joel sa awiting Honesty: Ang katapatan daw ay isang malungkot na kataga dahil bawat isa ay hindi tapat. Let us not talk about honesty alone but righteousness in general. Ang mabuting pamahalaan ay kailangang nakatatag sa pundasyon ng katuwiran at hustisya.

Laganap ngayon ang kasamaan sa pamahalaan at buong lipunan dahil maraming tao ang lumihis mula sa daang matuwid. And I’m not talking about religion here. May mga taong hindi naniniwala sa Diyos pero tumu-tunton sa mga prinsipyong matuwid gaya ng katapa-       tan at pagmamahal sa kapwa-tao. Kabalintunaan na marami ang nagsasabing naniniwala sila sa Diyos pero sila naman ang mga hindi mapagkakatiwalaan. Mga magnanakaw. Mga sinungaling. “Dekorasyon” lang sa kanilang labi ang relihiyon. Nalalathala sa diyaryo at napapanood sa TV na taimtim kung sila’y manalangin pero ang gawa nila’y nakaririmarim.

Ang kailangan natin ay maging maka-diyos hindi lang sa nguso kundi sa ating mga puso. Maraming lisyang tao ang nasa rurok pa ng kapangyarihan sa ating pama­halaan. Dahil sa kanilang pagkaganid sa kapangyarihan at kayamanan, ang taumbayan ang pinahihirapan at napagkakaitan ng kailangang hustisya. Dumarami ang nagugutom at namamatay na lang sa karamdaman dahil sa kakapusan ng pondo na nabubuslo sa bulsa ng mga limatik sa pamahalaan.

Malungkot isipin na may panahon sa kasaysayan nang ang Pilipinas ay mayaman pa kaysa Japan. Dito sa Pilipinas nagsisipag-aral ang mga kabataan mula sa ibang bansa sa Asya at tayo’y tinitingala at iginagalang bilang bansa. Nanumbalik ang sitwasyon nang dumami ang mga gahamang nanu­nungkulan sa pamahalaan. Sabi nga sa banal na salita ng Diyos: “Righteousness exalts a nation but sin is a reproach to all people.” Ka­pag namamahala ang isang leader na matuwid at may pitagan sa Diyos, maayos ang takbo ng lahat at na­da­rama ang pagpapala ng   Di­yos. Ngunit kapag ang mga makasarili ang nama­ma­hala sa bansa, nadara­ma ng lahat ang ngitngit ng Diyos.

Sabi ng iba, huwag pa­ya­gan ang mga taong ma­tutuwid lalu na ang mga pastor at pari na sumangkot sa pulitika at ipaubaya na lang sa mga pulitiko ang pagpapatakbo ng bansa. Sila rin daw ay madudu­ngisan kapag nasok sa pu­litika. Maling-mali ang pa­nanaw. Ang tunay na matu­wid ay hindi mababaluktot ng buktot na sistema.

Nasubukan na natin    halos lahat ng klase ng pu­litiko para mamuno sa ban­sa pero umiigi ba ang ka­lagayan natin? Hindi, bag­kus ay lalung suma­sahol. Ang ikabubuti ng bansa ay nasa ating mga palad.

Kung lalung naghihi-   rap ang ban­sa dahil sa ma­­samang pa­mahalaan, hu­wag na ta­yong mag-aklas at magalit sa nanu­nung­kulan dahil walang ibang masisisi kun­di tayong mga taong nag­halal sa kani­la.


Show comments