BUWAN ng Marso, buwan ng pagtatapos ng mga pasok sa eskuwelahan.
Mapa- elementarya, high school at kolehiyo, pampubliko o pribadong paaralan, kanya-kanya na ng aktibidades sa paghahanda sa tinatawag na graduation.
Kaya naman sa buwang ito, sunod-sunod ang pagdadagsaan ng mga estudyanteng nagrereklamo sa aming tanggapan. Isinusumbong nila ang mga anomalya umano sa kanilang eskuwelahan.
Merong malaki ang bayaran sa graduation, may nakaaway na school official at mapupurnada ang pagmartsa at mga hindi ga-graduate mismo dahil sa katakut-takot na requirement na hinihingi ng kanilang pinapasukan.
Mga estudyante sa kolehiyo pa nga ang grupo-grupong nagpupunta sa BITAG. Karamihan pa sa mga ito, mga nursing students sa isang eskuwelahan mula pa sa probinsiya.
Umano’y may subject daw na idinagdag sa kanilang curriculum nang hindi nalalaman ng Commission on Higher Education. Ayon naman sa CHED, requirement daw ito na tinatawag na Nursing Review.
Natuklasan ng BITAG, kinuha naman pala ng mga estudyanteng ito ang nasabing Nursing Review subalit hindi sila pumasa.
Ang kanilang reklamo, malabo raw na bumagsak sila sa Nursing Review dahil pasado naman sila sa lahat ng subjects. Ang siste, hindi sila ga-graduate dahil nga sa pangit na resulta ng kanilang Review.
May remedial o removal na ibinibigay ang kanilang eskuwelahan sa mga hindi pumasa, second chance ika nga.
Subalit hindi kumuha ang mga nagrereklamong estudyante dahil ipinagpipilitan nila ang kanilang paniniwala na hindi sila bumagsak sa nasabing review.
Sa madaling salita, dahil hindi sila kumuha ng remedial o removal hindi na sila makaka-graduate sa katapusan ng buwang ito.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo at pinayuhan ang mga estudyante. Mga nagmamadaling grumaduate subalit hindi naman sinusunod ang kinakailangan at patakaran ng eskuwelahan para sa kanilang pagtatapos.
Sa bibig mismo ng isa ni-lang kaklase, 80% ang pu masa sa nasabing review at ang bumubuo sa mga estudyanteng nagtungo sa aming tanggapan ay ang natitirang 20% na lumagpak. Tsk tsk tsk