NARITO ang warning signs ng cancer sa suso: Kapag may nakapang bukol sa suso na kadalasan ay hindi masakit at kapag may lumalabas na dugo sa utong o di pangkaraniwang blood-stain.
May mga kaso rin na ang pasyente ay nagkakaroon ng mga kulane na isang palatandaan na nakakalat na ang cancer. Ang bukol sa suso sa simula ay hindi masakit at hindi rin matigas. Makikita ito sa dakong itaas o sa outer quadrant ng suso. Ang balat sa paligid ng bahaging may bukol ay bahagyang mamula-mula ang kulay.
Ang paglaki ng atay ay masamang palatandaan na ang cancer sa suso ay kumalat na. Ang pag-collapse ng baga ay isa rin sa masamang palatandaan. Ang pagkalat ng cancer sa buto ay maaaring mangyari. Makikita ito sa thoracic at lumbar spine.
Ang warning signs ng cancer sa cervix: Pagdurugo ng ari (vagina) lalo na pagkatapos ng pakikipagtalik, pagkakaroon ng discharge sa ari, pagkakaroon ng dugo sa ihi o kaya’y padurugo ng rectum. Kapag ang cancer ay nakakalat na sa pelvic at para-aortic nodes, makadarama ng pananakit sa ibabang bahagi ng likod.
Iba pang warning signs ay ang pagsusuka, pagka-wala ng ganang kumain at ang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang. Kinakailangan na ma-examine ng doctor ang pelvic para ma-determine kung gaano na ang spread ng cancer.