SIMULA sa Enero 30, mapakikinggan na ang “Boses ng Masa” radio program ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, sa DZRH Manila Broadcasting Corporation, ang numero unong himpilan ng radyo sa Pilipinas.
Sa naturang programa na mapapakinggan tuwing BIyernes, 5:30 hanggang 6:00 ng hapon, ay kasama niya ang batikang broadcaster na si Deo Macalma.
Ang Boses ng Masa radio program ay mahahati sa tatlong bahagi:
Ang unang bahagi, tinatawag na “Juntahan”, ay tatalakay sa maiinit na isyung nakaaapekto sa ating kabuhayan, at ang paksa sa unang pagtatanghal ay ang epekto ng global finanial crisis sa mga manggagawa’t negosyo sa ating bansa.
Ang ikalawa — “Aksyon Para sa Masa” —ay magsisilbing serbisyo publiko. Unang tatalakayin dito ang naging sitwasyon ng OFW na si Omega Ocampo, na nabiktima ng illegal recruitment, human trafficking at pagmamaltrato ng amo sa Syria, at agad namang tinulungan ni Jinggoy.
Ang ikatlo — “Kamusta Na, Idol?” — ay magkukuwento ng mga kilala’t ordinaryong mamamayan para magsilbing inspirasyon sa ating buhay. Ang kasama sa Senado at malapit na kaibigan ni Jinggoy na si Sen. Bong Revilla ang unang bisita.
Para sa mga taga-Greater Metro Manila, mapakikinggan n’yo ang programa sa DZRH Manila 666. Para sa mga probinsiya: DZRH Lucena 1224; DZRH Naga 981; DZRH Sorsogon 1287; DZRH Dagupan 1440; DZRH Baguio 612; DZRH Isabela 648; DZRH Tuguegarao 576; DZRH Laoag 990; DZRH Palawan 693; DZRH Bacolod 1080; DZRH Cotabato 567; DZRH Cebu 1395; DZRH Tacloban 990; DZRH Iloilo 1485; DZRH Davao 1260; DZRH Cagayan De Oro 972; DZRH General Santos 531; DZRH Zamboanga 855; DZRH Kalibo 693; at DZRH Bislig 1035. Para sa mga nasa abroad, maaari rin kayong makinig sa website ng DZRH habang ginagawa pa ang website ng Boses ng Masa — www.jinggoyestrada.com.