Wagi si Mar Roxas!

ABOT-tenga ang ngiti ni Sen. Mar Roxas. At sinong mam­babatas ang hindi matutuwa kung ang inakda mong landmark legislation ay naipasa na at naghihintay na lang ng lagda ng Pangulo para maging batas? Wika nga ni Mr. Palengke “tapos na ang maliligayang araw ng mga international drug firms” na mahabang panahon ding nagpa­sasa sa ating bansa.

Ang tinutukoy natin ay ang cheaper medicine bill na inabot din ng tatlong taon bago naratipikahan dahil sa pressure ng mga international drug firms na tinatangkang hadlangan ito. All’s well that ends well, ‘ika nga ng mga Kano.

Pero sana, yung salitang “cheap” ay ginawa man lamang affordable o kaya’y low-cost. Ang impresyon kasi ng tao sa cheap ay mababa ang kalidad o hindi epektibo. Anyway, naririyan na iyan. Tanggapin na natin.

Grabe as in stupendous talaga ang presyo ng gamot sa atin. As if yun na lang mga may kaya ang may kara­patang gumaling sa karamdaman at mabuhay. Kasi, kontrolado ang industriya ng mga dambuhalang pharmaceuticals na ang hangad lang ay kumita nang limpak-limpak.  Sa kaso ko, umaabot ng apat na libong piso kada buwan ang maintenance medication ko para sa hypertension at blood sugar. Okay lang sa’kin pero paano yung  mahihirap at mababa ang kita? Sana maging epektibo ang batas. Sana bumaba nga nang malaki ang presyo ng gamot. Sana ngayon na!

Inamyendahan kasi ang Intellectual Property Code na nagbibigay ng ekslusibong karapatan sa mga drug firms na gumawa ng gamot. Puwede nang gayahin ang pormula ng mga gamot ng ibang kompanya at ibenta ng mas     mura. Same formula, same effect for a lower price. Ganda! Pinapayagan din ng batas ang importasyon ng mga branded drugs sa mga bansang makukuhanan ng gamot sa mas mababang halaga. Napagsama na ang bicameral versions ng batas ng Senado at Mababang Kapu­lungan. Wait na lang tayo sa final approval ni Pre­sidente Arroyo.

Naniniwala si Roxas na “malakas” ang batas at kayang-kayang ibaba ang presyo ng gamot sa lalung madaling panahon. Sige, bigyan natin ng tsansa      ito at maraming kababayan tayong mahihirap ang makikinabang. Hirap yata ng buhay ngayon. Wala nang mura maliban dun sa naririnig natin sa bibig ng mga galit na galit na tao sa lansangan. Ha-ha-ha.

Show comments