Nangunguna rito si Congressman Butch Pichay at ilang mga kaalyado ng administrasyon na tiyak kong siya ring nasa likod sa biglang paghihigpit ng Sandiganbayan sa resthouse ni Erap kamakailan.
Biglang hinigpitan ang mga bumibisita kay Erap sa kanyang Tanay resthouse dahil daw sa isang intelligence report na banta raw sa buhay ng dating Presidente na natanggap ng National Security Adviser na si Norberto Gonzales.
Kakatawa ang pakulong ito ng administrasyon dahil obvious na takot sila sa endorsement na ibibigay ni dating President Erap sa kanyang mga kaalyado. Lumalabas kasi sa mga survey na mahigit 20% ng mga botante ang pipiliin ang kandidatong itataas ang kamay ng dating President samantalang halos bokya naman ang bobotohin ang kandidatong deretsong ieendorso ni Madam Senyora Donya Gloria.
Halatang takot na takot ang mga taga- administrasyon sa patuloy na hatak ni dating President Erap sa mga botante lalo na sa masang Pilipino na hanggang sa araw na ito ay masama ang loob sa ilegal na pag-okupa ni Madam Senyora Donya Gloria sa Malacañang. Lalong tumindi ang galit nila sa mga dayaang nangyari nuong 2004 elections kung saan milagrong tinalo ang Hari ng Pelikulang Filipino na si Fernando Poe Jr.
Hinahamon natin ang Malacañang na patunayan nilang hindi totoo na takot sila at pataas ng kamay ang lahat ng kanilang kandidato kay Madam Senyora Donya Gloria at kay Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo at tingnan natin kung saan sila pupulutin.
Tigilan na ang mga kaplastikan at lumantad tayo kung puti o itim, walang gray sa labanang ito. Manindigan ho at walang balimbingan.
Of course alam ng sambayanan, lalo na ng masang Pilipino ang dahilan bakit pilit na yayariin si Alan Peter Cayetano at iyan ay ang kanyang walang takot na pagbubulgar ng foreign currency deposit sa isang German bank ng nakatira sa Malacañang.
Hanggang sa araw na ito ay hindi mapatawad ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo si Alan Peter Cayetano dahil sa isang ingrate raw ito o walang utang na loob dahil natulungan naman daw ng Malacañang si Senadora Pia Cayetano nang tumakbo noong 2004.
Baka nakakalimot ang Malacanang na ang utang na loob ni Sen. Pia ay sa taumbayan na siyang naghalal sa kanya at hindi sa sinumang tumulong na opisyal. Kahit na lahat ng tulong ibuhos ng Malacañang kung isusuka ka ng sambayanan sa kangkungan din pupulutin ang kandidatong iyon.
Ang hindi nila alam, habang inaapi nila ito ay naaawa ang sambayanan at lalo lang aangat si Alan Peter Cayetano na inuulit kong sasabihin sa inyong isang napakahusay at napakabait na taong karapat-dapat sa senado.
Sa lahat ng mga kandidato, tandaan n’yo, utang n’yo ang panalo sa taumbayan, sa masang Pilipino kaya sila ang pagsilbihan at hindi ang mga tumutulong nga sa inyo pero nais naman kayong hawakan sa leeg.
Ang tandem na ito ay nagbibigay ng magandang choice sa mga kababayan nating Manilenyo sapagkat ang dalawang opisyal na ito ay parehong Cabinet member ni dating President Erap at senior official ni dating President Corazon "Cory" Aquino.
Si Lim ay nagsilbing hepe ng NBI kay Tita Cory at naging Interior and Local Government Secretary ni Pangulong Erap samantalang si Banayo naman ay naging Postmaster General noong panahon ni Tita Cory at General Manager ng Philippine Tourism Authority at Presidential Adviser for Political Affairs ni dating President Erap.
Kilala ko ho ng personal ang dalawa. Si Lito ay parang matanda kong kapatid na kahit minsan ay hindi umabuso sa kanyang posisyon.
Parehong subok, parehong malinis at parehong nanilbihan ng tapat hindi lamang sa Maynila kung hindi sa buong Pilipinas.
Ika nga nang marami, Erap na Cory pa. Mabigat na tandem na hindi ikahihiya at maipagmamalaki ng mga Manilenyo.
Kahit ho mahihirap sila ay nakikita ko na natuturuan ang mga bata ng kanilang mga magulang na maging magalang lalo na sa mga nakatatanda.
Sa pagiikot ko, hindi maiwasan na lapitan ako ng mga bata na lahat ho ay kinukuha ho ang aking mga kamay at umaamen o nag mamano. Patunay ito na hindi sagabal ang kahirapan sa pagtuturo ng matandang kaugalian nating mga Pilipino na maging magalang.
Sa mga magulang ng mga batang ito na nasa Parola, Tambunting, Blumentritt, Quiapo, Oroquieta, San Nicolas, tabi ng city jail at iba pang mga lugar na napasyalan ko, mabuhay po kayo at sana’y hindi makalimot sa ugali ng ating mga magulang na ubod ng ganda.
Salamat din kay Bgy. Ex. O Joe Fajardo at Rose Biare na dalawang araw na akong inaalalayan sa may tabi ng Manila city jail, Oroquieta at may Central Market.