Isang kabataang civic worker ang nagpabilib sakin. Ito si Erwin Genuino, na sa batang edad na 25 ay deeply involved na sa mga gawaing sibiko at tumutulong sa mga maralita. Sanay dumami pa ang katulad niya sa modernong panahong lubhang marami ang makasarili at walang well meaning interest to serve. Tingin ko, kung minsay dapat ding sundan ng mga katandaan ang mabuting yapak at prinsipyo ng mga bata. Mga batang walang halong pag-iimbot ang hangaring maglingkod.
Si Erwin ay may organisasyon na kung tawagiy Welfare Integrated Network o WIN. Itinuturing na pinakamatayog na kaganapan sa batang karera nito sa larangan ng serbisyo publiko ang pagkakatatag ng samahang WIN na instrumento nito sa pagpapalaganap ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan ng Makati sa aspetong pangkalusugan, pangkabuhayan at pang-edukasyon.
Halimbawa sa mga programang ito ay ang mga medical missions, nutrition drives, health and fitness awareness at ibat iba pang gawaing pangkomunidad na naglalayong matulungan ang mga lahat lalo na ang mga gipit o walang kakayanan. Sa pagpupunyagi ni Erwin na paglingkuran ang mga kapuspalad, hindi malayong maimpluwensyahan nito ang ibang kabataang umahon sa pagkalunod sa makabagong teknolohiya at simulang pandayin ang pundasyon ng isang matatag na kinabukasan para sa ating bansa.
Maningning na hinaharap ng liderato ng Lungsod ng Makati kung saan ito ay isang huwarang residente.
Congratulations kay Rotarian at PAGCOR chairman Efraim Genuino sa pagkakaroon ng anak gaya ni Erwin. Wika nga, kung ano ang puno ay siyang bunga. Naway sa pamamagitan ni Erwin ay magising ang kamalayan hindi lang ng mga kabataan kundi pati na ang mga matatandang politiko sa tunay na kahulugan ng paglilingkod sa bayan na walang makasariling interes.