Sinaktan daw ang kanyang sampung taong gulang na anak sa nasabing paaralan ng guro nito na si Rodolfo Vicente at naging sanhi ng trauma at komplikasyon sa pandinig dahil sa nangyaring pananakit.
Mariing itinanggi raw lahat ng nasabing guro ang lahat ng naging akusasyon ng bata sa kanyang guro subalit, wala siyang nagawa nang sinuportahan naman ito ng mga kaklase ng bata na nakakita sa pangyayari.
Iniharap na rin ng pamunuan ng paaralan ang itinuturong guro subalit, walang naging maayos na pag-uusap at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring malinaw na aksyon ang paaralan sa kaso ng estudyante.
Hanggang sa nabalitaan na lamang ng pamilya ng bata na naisaayos na ang mga papeles ng guro at handa na itong lumipat ng iba pang paaralan.
Nais lamang ng pamilya ng bata na magkaroon ng maayos na desisyon para sa naging pananakit daw ng guro na si Vicente sa kanyang estudyante.
Panawagan ng BITAG sa pamunuan ng San Vicente 1 Elementary School, huwag ninyong palampasin ang ginawang pananakit ng guro na si Vicente sa inyong estudyante.
Tungkulin ng bawat guro na pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral. Kayo ang tumatayong pangalawang mga magulang pagdating sa paaralan at wala kayong karapatan na saktan ang mga ito upang disiplinahin.
Para sayo Rodolfo Vicente, patuloy na babantayan ng BITAG ang naging pagkakasala mo sa iyong estudyante. Huwag mong gamitin ang iyong kapangyarihan upang makapanakit at abusuhin ang mga kawawa mong mga estudyante.
Maging aral na ito sayo at sa iba pang mga guro na walang takot sa pananakit ng kanilang mga estudyante.
Sa mga may ganito ring sumbong ay huwag matakot na makipag-ugnayan sa tanggapan ng BITAG upang ireklamo ang mga abusadong guro.