SINASABING ang leukemia ay number one sakit na dumadapo sa mga bata. Hindi matiyak kung bakit ang mga bata ay tinatamaan ng lymphocetic leukemia. Ayon sa Phiippine Society of Hermatology and Blood Transfusion pangunahing dahilan kung bakit nagkaka-leukemia ang mga bata ay dahil na-mamana ito o may congenital abnormalities. Napag-alaman na dahilan din ang kapaligiran gaya ng chronic exposure to radiation and harmful chemicals lalo na ang benzene na taglay ng mga petroleum products at plastic paint.
Napag-alaman sa mga pediatric hematologists na mas maraming bata na edad dalawa hanggang pitong taon ang dinadapuan ng leukemia.
Ang mga sintomas ng leukemia ay ang mga sumusunod: Matagal at hindi gumagaling na lagnat, hematoma, impeksyon, pagdurugo at pamamaga ng kulane. Mahal ang magpa-chemotherapy at kung may impek-syon kakailanganin ang blood transfusion at antibiotic medication na napakamahal.