Ang karunungan ay ang kakayahan at kata- ngian ng wastong pagpapasya batay sa kaalaman, karanasan at pagkaunawa. At ito ang paksa ng Unang Pagbasa sa ating liturhiya ngayong Linggo (Kar. 6:12-16).
"Ang Karunungan ay maningning at di kumu-kupas, madaling matagpuan ng naghahanap sa kanya, at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya. Madali siyang nagpapakilala sa mga naghahangad sa kanya. Hanapin mo siyang maaga at agad mo siyang matatagpuan, makikita mo siyang nag-aabang sa iyong tarangkahan.
"Isipin mo lamang siyay magkakaroon ka na nang ganap na pagkaunawa; hanapin mo siyat matatahimik ang iyong kalooban. Pagkat hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya, at makikita ka niya saan ka man naroon. Siyay maamo at sasamahan ka niya sa bawat iniisip mo."
Sa nangyayaring kaguluhan sa pulitika sa kasalu-kuyan at ganoon na rin sa sitwasyon ng pambansang ekonomiya, ang ating bansa ay uhaw sa mga pinuno at mga tagapaglingkod na may karunungang nagmumula dahil sa pagdakila at takot sa Diyos.