Binabati ko ang mga sumulat sapagkat positibo ang kanilang pananaw. Tama po kayo na ang maa- gang pagkatuklas sa cancer ang magsisilbing daan para ito ay maagapan. Kung nasa early stages pa lamang ang cancer maaagapan ang pagkalat at maililigtas ang pasyente.
Para sa kapakanan nang nakararami, narito ang mga palatandaan ng cancer:
Mga sugat na hindi gumagaling at nag-iincrease ang size lalo sa bahagi ng labi, dila, taynga, pilikmata at ari.
Bukol na hindi masakit o matigas na makikita sa suso, dila, labi, leeg, kilikili at singit.
Pagdurugo at abnormal discharge sa bibig, tumbong, ari ng babae at urinary bladder.
Parating may sore throat at malat ang boses.
Hindi matunawan.
Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, pagkakaroon nang hindi maipaliwanag na lagnat o panghihina.
Nagbago ang kulay at laki ng warts, nunal at birthmark.
Madalas na pananakit ng ulo, sinusitis o nahihirapang makakita.
Ibig kong linawin na ang mga nabanggit ay warning signs lamang at hindi ibig sabihin ay meron nang cancer.