Ayon sa mga doktor, ang migraine ay maiiwasan kung may sapat na physical exercises, kumakain ng sariwang prutas at gulay lalo na ang mga green leafy vegetables at hindi maninigarilyo. Sa naturang international conference, napag-alaman din na ang paninigarilyo bukod sa itoy mapanganib sa mga nagma-migraine ay malaki rin ang pinsala para magka-hika. Batay sa kanilang pananaliksik, may 4,000 substances ang usok ng sigarilyo at karamihan sa mga substances ay nakalalason sa kalusugan.
Hindi pa rin matukoy kung ano ang dahilan ng karamdamang ito pero dapat na parating suriin ang inyong mga "balls".
Kapag naliligo ay tingnang mabuti ang inyong bayag. Normal na ang iyong itlog ay mas malaki at mas mataas sa isa pero dapat na magkapareho ang timbang ng dalawang itlog. Kapag may nasalat na hard lump o parang bukol sa harap o sa paligid ng bayag at kapag nakakaranas ng sakit ay agad na pumunta sa doktor at magpasuri. Kasabihan na "early prevention is better than cure" kaya huwag ipagwalang-bahala kung may kakaibang nararamdaman ang inyong mga bayag.