Sa panahong ito, wala nang pagkakaiba ang walang-pakundangang paghila ng sasakyan at aktwal na carnapping. Sa katunayan, kinumpirma sa akin ng drayber ng taxi na nagdala sa akin sa lugar ng nasamsam na sasakyan, na kalakaran na pala ng mga ito na abangan ang mga may-ari ng sasakyan na makaalis muna bago nila hilahin ang sasakyan.
Ang mga sasakyang maayos na nakaparada sa mga nakatalagang parking spaces kahit na lampas sa itinakdang oras ay hindi nakaaabala sa daloy ng trapiko. At kung sakaling lumipas sa taning na oras dapat lamang silang patawan ng multa hindi hatakin.
Pahirap at di-makatwiran ang paghila dahil min- san ay nagkakagalos at nasisira pa ang sasakyan. Puwersahan pa ang pagbabayad ng "ransom" (multa) para lamang mabawi ang iyong sasakyan. Nalalaman ito ng mayor ng Makati dahil naging biktima rin siya ng malupit na rehimen.