Bakit naman? Tanong ko kay Mang Gorio pero ang sagot niya, order ka muna ng lugaw at mainit pa ito, garantisadong masarap pa. Inisip ko, wala pa naman akong ginagawa kaya sige na nga total di naman ito magic lugaw tsaka P15 lang may laman ng kasama.
Sarap nga kaya mabilis akong kumain pero noong papatapos na, kinulit ko na siya, "Mang Gorio bakit nga My Way?" At tugon niya agad, kita mo kahit sa World Court may demanda si GMA, apat na senador na kakampi niya iiwan na siya, si Vice President Tito Guingona at Sen. Loren Legarda inabandon na siya. Nilayasan na rin siya ni De Villa, Roco at Lito Osmena.
Tapos tuloy tuloy pa ang pagtaas ng krimen, kita mo pati opisyal ng BIR na pinaghihinalaang naglabas ng dokumento ni JOSE Pidal pinatay.
Baka naman nagkataon lang, sabi ko kay Mang Gorio pero sumabat si Mang Rolando na namamasukan sa sales office ng isang travel agent na nagmemeryenda rin ng lugaw, "Nagkataon? Hindi bilang na araw niya tsaka kasalanan ni GMA yan, alam niya yang extortion na yang panghihingi ng $50 million dollar sa mga German."
Baka naman hindi, sagot natin kay Mang Rolando, pero mabilis siyang sumagot, "Di ba personal na abogado ni GMA si Atty. Villaraza, di ba si Atty. Avelino Cruz na Presidential Legal Counsel ay law partner ni Atty. Villaraza, di ba si SC Justice Antonio Carpio ay partner din nila sa law office, di ba si Ombudsman Simeon Marcelo galing rin doon, di ba ang office nila sa LTA building din sa Perea St., Makati, opisina rin ni Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo at ni JOSE Pidal?" Daming tanong at oo nga pala sa lahat ng di ba ni Mang Rolando kaya tango na lang ako nang tango.
"Isipin nyo ang kahihiyan niyan, 3rd most corrupt in Asia, 11th in the world at ngayon extortion capital pa, dapat mawala na siya," nanggagalaiting dagdag ni Mang Rolando.
Lumalayo yata ang usapan kaya sabi ko eh bakit "My Way"? Sasagot sana si Mang Gorio pero sumingit si Ms. Janet, college graduate pero sales clerk lang, "Kita mo iniiwan na siya ng lahat, parang daga na umaalpas sa isang barkong papalubog, kita niyo pati mga bansang Muslim sinuka siya, wala na yan, bilang na araw niya."
Pasok uli ako, ssshhh! Wag kang ganyan, baka isipin nila destabilization ang pinag-uusapan natin, pakulong pa tayo o idemanda mamaya ibalik ang state of rebellion, pero walang takot na sumagot si Ms. Janet, "Sa daming galit sa kanya pakukulong niya lahat, susunod ba sa kanya pulis at military, kita mo ang Magdalo may simpatiya pa kesa kanya, natataranta na siya, dapat resign na siya."
"Huwag nyo nga pag-usapan yan, baka matulad kayo kay Judge Yadao sinisiraan na o kung hindi kay Sen. Ping o baka kay Rosimo ng BIR yun patay na," singit ni Lola Virgie.
Basta sinasabi ko lang ang niloloob ko tsaka totoo naman, dapat naman maalis na siya, kawawa na kami," sabat uli ni Ms. Janet na puno na ng emosyon.
Inisip ko, paalam na ako, baka nga makasuhan pa ako, baka sabihing kasali ako sa pumatay sa Kuratong Baleleng at kasabwat ako sa nagpatakas kay Al-Ghozi at pumatay sa kanya, makaalis na nga. Tsaka ko na lang tatanungin si Mang Gorio pag walang ibang kumakain.
Kayo ano palagay niyo, malapit na ba? Text ang sagot sa 09272654341.
Hndi ko ngugustuhan ang gngawa gma sa mga taong byan lalo nyang pinagugulo ang Pilipinas. 09208900096; Buksan ang jose pidal account ng magkasubukan. 09194054085; Cnadya tlgang ptyin c al ghozi para d mabaling isyu kay jose pidal. 09183227778.
Nsaan ba un lugaw n milliones ang hlaga wala nman me nakita. Natapon yta pro may naibulsa. 09198595584; Cguro kung d lacson ang nkkkbit kura2ng bleleng tgal n nlunod s lugaw ang kaso. 09204017322;
S pmmlkad ni Gloria pidal #3 tau sa pnkakurap na bansa s asia pno p kung cia ang mamuno 4 anader 6 years. Cgurado tayo ang magiging #1 sa buong mundo.09202976250.