Walang nakasisiguro kung ano ang sanhi ng testicular cancer subalit may mga warning signs ito. Kaya ang payo sa mga kalalakihan dapat na suriing mabuti ang inyong mga balls.
Kapag may makitang hard lump o parang bukol sa harap o gilid ng bayag ay dapat na maalarma na kayo. Ang paglaki at pamamaga ng bayag ay obserbahan din. Kapag nakakaranas ng sakit at hindi mapalagay at pagmaobserbahan ang kakaibang lagay o unusual difference ng dalawang betlog. Kapag naliligo ay masusing tingnan ang inyong balls. Normal na ang isang itlog ay mas malaki at mas mataas sa isa pero dapat na pareho ang timbang ng dalawang itlog.
Kapag may mapuna kayo na kakaiba sa inyong testicles kaagad na magpasuri sa doktor. Huwag kayong mahiya at mag-aksaya ng oras na magpatingin kung wala o meron kayong testicular cancer na isang seryosong karamdaman ngunit kung maagang magagamot ay katiwasayan ang madarama.