Maraming matatandang paniniwala o pamahiin lalo na sa mga probinsiya kaugnay sa pagbubuntis. Ang lahat ng itoy itinuturing na passe sa modernong pamumuhay.
Kamakailan, nalathala sa Sydney, Australia ang report ng Australian Medical Association na nagmumungkahi sa mga pregnant women na magkaroon ng physical activities. Kabilang sa physical activities na ito ng mga buntis ay ang marathon. Ayon sa samahan ng mga OB-GYN walang masamang epekto ang paglalaro sa mga buntis. Any kind of sports puwera lang iyong sobrang mabibigat at strenous ay puwede sa mga buntis.
Ayon sa mga obstetricians at gynecologists na Australyano ang physical activities ng mga buntis ay dapat na isagawa ng katamtaman. Ayon pa rin sa mga Australian doctors ang fetus ay parang gold fish na nasa plastik na puno ng tubig na kahit na kalugin o bulabugin ay hindi mapipinsala. Sa mga pregnant women na mahilig sa sports ay kadalasang malulusog at matitipuno ang mga anak. Pinapayo rin sa mga nagdadalantao na maging maingat sa kanilang pagkain, huwag kumain ng matatamis at fatty foods, iwasan ang pagpupuyat, huwag maninigarilyo at mag-take ng illegal drugs na lubhang makaaapekto sa kanilang mga sanggol.