Subukan ang longganisa at tocinong tulingan

SINO ang hindi nasasarapan sa pritong tulingan? Masarap ito kapag isinasawsaw sa ginayat na kamatis at sibuyas.

Pero may masarap pa rito ayon sa mga eksperto ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR). Inirerekomenda nila ang tulingang longganisa na umano’y makapapalit sa longganisang baboy. Hinihikayat din nilang subukan ang tocinong tulingan.

Ang mga sangkap sa paggawa ng longganisang baboy ay pareho rin sa gamit sa longganisang tulingan. Ang ‘‘curing mix’’ ay binubuo ng nitrate, refined sauce, phospate at curing salt. Dahil nga napatunayang masama ang salitre kaya ipinapayo na curing salt na lang ang gamitin. May nagluluto na ang sangkap ay anisado wine, pineapple juice, bawang at paminta.

Ang paggawa naman ng tocinong tulingan ay pareho rin ng sa longganisa ang mga sangkap. Ang hilaw na tulingan ay tinatadtad o ginigiling pero mas mabuti ay iyong tinatadtad. Marami ang nagsasabi na masarap ang tulingang longganisa at tocino na minarinate tapos ay inire-refrigerate at saka ipiprito. May mga karinderya na ring nagtitinda at bumibenta nang malaki sa kanilang tulingang longganisa at tocino.

Show comments