Nasa Grade 2 pa lamang ang biktima nang simulang abusuhin ng suspek na nakilalang si Elson Oblifias. Sa salaysay ng biktima, naglalaro siya ng manika kasama ang kanyang mga kaibigan sa loob ng kanilang bahay nang dumating si Kuya Elson at di-umanoy sumali sa kanilang paglalaro.
Upang maisagawa ang balak inutusan umano ng suspek ang dalawang kalaro ng biktima na kumuha ng dahon sa labas ng bahay upang gamitin sa kanilang paglalaro. Agad umanong hinipuan ng suspek ang biktima sa hita at sa kaselanan nito.
Sa kani-kanilang mga pahayag noong Hulyo 31, 2000, sinuportahan naman ng dalawang kaibigan ng biktima ang pahayag nito ukol sa pang-aabuso sa kanya noong 1995, at positibo naman ang mga resulta ng PNP crime laboratory noong Hulyo 29, 2000 sa ginawang panggagahasa ng suspek.
Sa kasong ito ay malinaw na ang problema sa child abuse ay hindi pa rin nabibigyan ng pansin ng ating pamahalaan, ito ay sa kabila na marami nang mga bansa ang nakapagsagawa ng ibat ibang paraan upang maitaguyod ang kapakanan ng mga kabataan.