Obviously, these attempts to scare the nation could not be the handiwork of terrorists. Kung gawa iyan ng mga terorista o sino mang radikal na kalaban ng gobyerno, ang mga bomba ay tiyak na puputok. Gagawa ng pinsala. Pero hindi. O hindi pa? Hope Im not speaking too soon.
Kaya hindi maiaalis na ang ilang kababayan natiy maghinala na itoy kagagawan mismo ng ilang nasa loob ng pamahalaan. Sa ano namang layunin? Sa layuning puwersahin si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na magdeklara ng batas militar.
Ngayon, magde-deploy pa ng mga secret marshals ang pulisya. Itoy mga taong nakasibilyan pero sandatahan. Ikakalat sa mga publikong lugar para raw maagapan ang ano mang tangka ng masasamang elemento na maghasik ng lagim.
At ang mga sikretang itoy puwedeng umaresto ng sino mang taong kahina-hinala ang kilos without any warrant.
Di ba iyay nangangamoy Marcos? Ganyan ang estilo ng tinatawag ng marami ngayong "diktador" nang siya ay nabubuhay pa at Pangulo ng bansa.
Ayaw magkomento ng Pangulo sa mga insidenteng ito. Puro mga tagapagsalita niya tulad nina Tiglao, Golez at iba pang nakapalibot sa Pangulo ang sumasagot sa mga isyung ito.
Ewan ko kung anong paninindigan ng Pangulo tungkol sa martial law. Pero kayang-kaya niyang gawin ito ngayon. Iyan namay kung gugustuhin niya. Mayroon siyang malakas na military force. Not necessarily our Armed Forces kundi ang puwersa ng United States na nasa bansa ngayon at madaragdagan pa sa darating na mga araw.
This can be easily done like a breeze, in the guise of the countrys full support of Americas all-out war against international terrorism.
At ngayon ngay may mga kumakalat nang kuro-kuro na ang mga natatagpuang bomba kung saan-saan ay itinanim mismo ng ilang elemento ng militar.
Hindi ko sinasabing totoo ang mga haka-hakang ito. Pero may basehan ang tao na hinalain na ang mga pangyayari ngayoy tila pahimakas ng nagbabadyang batas militar sa bansa.
Kung mangyayari ito, sino ang makatututol? Kung ang dahilan ay hindi lamang panloob na seguridad kundi ang seguridad ng buong mundo, sino ang makatututol.
At kung ang hakbang ay may bendisyon at lubos na suporta ng kaisa-isang Superpower na America, paano ito matututulan?
In the meantime, we content ourselves with the thought that not one of these bombs so far discovered have exploded or intended to be exploded.
Sana, sana lang...huwag nang dumating pa sa puntong tulad ng naganap noong isang taon nang sumabog ang malakas na bomba sa loob ng tren ng LRT na ikinasawi ng marami nating kababayan.