Ngayong Valentine's Day

Ngayon ay Valentine’s Day. Ginugunita ngayon, hindi lamang ang pag-ibig na namamagitan sa mga magkasintahan kundi ang pagmamahalan ng mag-asawa, mag-iina, magkakapatid at magkakaibigan.

Madalas na maitanong ang mga ito: Ano ang pag-ibig? Ano ang kaibahan ng pag-ibig sa pagmamahal? Paano masusukat ang pag-ibig?

Marami sa mga kabataan sa henerasyong ito ang hindi binibigyan ng pagpapahalaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Marami ang hindi nagiging seryoso sa pagmamahal at parang nagpapalit lamang ng damit ang pagpapalit ng kasintahan. Dala nga ng western culture kaya maging sa pag-iisip, salita at gawa ay hindi na gaanong binibigyang-halaga ang moralidad kaya ang ilang kabataan ay parang laro lang ang pakikipag-sex. Ang pakikipag-pre-marital sex ay humahantong sa pagbubuntis at may mga kaso rin ng abortion.

May mga kabataang babae na sobrang liberated, matigas ang ulo at hindi nakikinig sa pangaral ng mga magulang. Malakas ang kanilang loob na makipag-sex at marunong na silang gumamit ng pills at iba pang contraceptives. May mga kaso rin na sila’y natutong magdroga hanggang sila’y mapariwara at maging mga prostitutes.

Sa araw na ito ay inaasahang maraming magnobyo ang magmo-motel. Isang paalala sa mga kababaihan: Dapat na tanungin muna nila ang mga nobyo kung talagang tapat ang pag-ibig o sila’y paglalaruan lamang. Hindi dapat na magtiwala kaagad. Isiping lagi na ang pagsisisi ay laging nasa huli.

Show comments