Karagdagang kaalaman sa 'sleep apnea'

Nauna ko nang tinalakay ang problema sa pagtulog na tinaguriang ‘‘sleep apnea’’. Ipinaliwanag kong ang mga taong may taglay nito ay malamang na magka-diabetes gayundin ang pagbabara ng mga ugat sa leeg na magiging sanhi sa pagkakaroon ng stroke.

Batay sa isang pagsusuri sa mahigit na 100 pasyente, napag-alaman na 22-percent sa kanila ay may calcified atheromas sa kanilang carotid arteries. Nalathala sa Journal of Oral and Maxillofacial Surgery, binigyan-diin na ang mga carotid arteries ang pangunahing nagsu-supply ng dugo sa utak kaya kapag nabarahan ang pagdaloy ng dugo, ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng atake. Ang mga taong may sleep apnea lalo na may diabetes ay nanganganib na ma-stroke kaya dapat na palagi silang masusuri ng doktor.

Ayon kay Dr. Arthur Friedlander ng University of California, Los Angeles (UCLA) School of Dentistry umaabot sa 58 percent ng mga may sleep apnea at carotid blockings ay may diabetes. Gaya nang nauna naming ipinahayag, ang diabetes ay itinuturing na major risk factor for cardiovascular disease and stroke. Ipinaliwanag ni Dr. Friendlander na nagkakaroon ng sleep apnea kapag ang soft palate o ang pinakabase ng dila ay magko-colapse sa likod ng ngala-ngala na nagiging sanhi ng malakas na paghilik. Makararanas ng pansamantalang pauntol-untol na paghinga sa gabi gayundin ang pagiging maantukin sa araw. Ito’y kadalasang nadarama ng matataba dahil ayon nga sa pahayag ng mga Amerikanong doktor ang mga fat deposits in the neck place an added burden on the throat. Isa pa ring risk factor ng diabetes ay ang pagiging sobrang mataba o ang tinatawag na obesity. Ipinapayo ng mga doktor sa UCLA na ang may sleep apnea ay dapat ding ma-eksamen ang kanilang dugo para malaman kung sila’y may diabetes.

Show comments