Ama dinedo sa harap ng 3 anak

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na traysikel driver ang iniulat at napatay matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Rico Delo Veras ng Durian St., Camarin sa nabanggit na  lungsod. Base sa pagsisiyasat ng Caloocan City PNP, naganap ang krimen dakong ala-una y medya ng madaling-araw may ilang metro lamang ang bahay ng biktima. Habang  naghihintay ng pasahero ang biktima, kasama  ang tatlong anak nito nang lapitan at ratratin ng mga armadong kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo.

Show comments