Guro nagbigti matapos mag-break ng bf

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y ka­­ lungkutan sanhi ng break-up sa kanyang boy­friend, isang guro ang nagpasyang magpakamatay sa pamama­gitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Veterans Memorial Me­dical Center (VMMC) si Rina Sebastian, 24, ng Brgy. Pagasa ng nasa­bing lunsod.

Ang biktima ay nadiskubre ng kanyang tatay na si Rolando Sebastian habang nakabitin gamit ang isang kumot sa loob ng kanyang silid bandang alas-9 ng gabi.

Ayon kay Mang Rolando ang break up nito sa kanyang nobyo nitong nakalipas na Mahal na Araw ang posibleng dahilan nang pagpapaka­matay ng kanyang anak.

Sinasabing simula ng mag­kahiwalay ang dalawa ay naging malulungkutin na ang guro. Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang QCPD sa nasabing insidente.

Show comments