'Tulak' sinalvage

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang isang lalaking natagpuang patay, may laslas sa leeg, nakagapos ang mga kamay at balot ng packaging tape ang ulo, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si alyas “Blondie”, nasa 35-40 ang edad, 5’9’’ ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt, shorts, tsinelas at tadtad ng tattoo ang katawan kabilang ang marking na .“Ina Ko”’, mukha ni Virgin Mary habang may mga anghel sa paligid nito at sa likurang bahagi ng katawan nito, “Ama Ko” at larawan ng bulaklak sa dibdib at bugs bunny sa kanyang kanang balikat.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang ma­tagpuan ang biktima sa ibabaw ng tulay ng Ramon Magsaysay sa kanto ng Ramon Magsaysay Blvd. at Paltoc St., Sta. Mesa, Maynila, nang magronda ang mga tanod ng Barangay 426 nang napansin nila ang naka­bulagtang biktima sa na­sabing lugar kaya ipinag­bigay-alam ito sa MPD-Station 4 (Sta. Mesa).

Nakita rin sa ibabaw ng bangkay ang cardboard na may nakasulat na: “Kung gusto niyong magaya o su­munod sa akin huwag kayong tumigil sa pagtulak ng bato”.

Ang katawan ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Ivan Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya.

Show comments