Seguridad sa Chinese New Year ikinasa

MANILA, Philippines - Upang matiyak ang kaayusan sa pagdiriwang ng Chinese New Year, inu­tos ni Manila Mayor Al­fredo Lim ang pagpapakalat ng karagdagang pulis sa buong Chinatown.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Manila Police District (MPD) Director Gen. Roberto Rongavilla at Station 11 Commander Senior Supt. Ferdinand Qui­rante, pinag-usapan ang pagbibigay ng seguridad sa gaganaping aktibidades bunsod na rin ng pagdagsa ng tao sa Fili­pino-Chinese community bilang pagsalubong bukas sa ‘Year of the Metal Rabbit’. Dapat na maiwa­san ang anumang pana­naman­tala ng mga kriminal lalo pa’t may isasagawang fire­works at pagtatanghal sa Chinatown.

Maging ang daloy ng trapiko sa lugar ay kaila­ngan na matutukan upang hindi makaapekto nang lubusan sa mga motorista habang isinasagawa ang parade.

Show comments