MPD nagsunog ng firecrackers

MANILA, Philippines –  Ipinasunog kahapon ni Manila Police District (MPD) director C/Supt. Roberto Rongavilla ang kahun-kahong iligal na firecrackers na nakumpiska sa mga tindahan sa Maynila kamakailan.

Dakong alas-10 ng uma­ga nang simulan ang pagsunog sa mga paputok habang nakahanda din ang dalawang drum na puno ng tubig. Inilatag ang yero kung saan binuksan isa-isa ang firecrackers na kinabibilangan ng pla-pla, piccolo, five-star, super bawang  at boomerang at pinagsama-sama na ini­latag sa yero bago sinindihan.

Ilan sa mga paputok ang inilubog na lamang sa mga drum na may tubig, kinalas-kalas at winasak ang packaging upang hindi na magamit pang paputok  kahit matuyo man.

Umalalay sa nasabing pagsusunog ang mga tauhan ng MPD-Explosive and Ordnance Division (EOD).

Show comments