MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang information technology staff nito na madaliin ang implementasyon ng proyekto ng Bureau of Immigration (BI) na visa-issu ance-made-simple (VIMS) sa lahat ng subports at field offices sa buong bansa.
Ang kautusan ni Libanan kay BI computer section chief Jollybert Galeon ay upang maisulong ang “full and complete” implementation ng VIMS system sa natitira pang 24 subports at tanggapan ng BI na hindi pa naipapatupad ang nasabing proyekto.
Sinabi ni Libanan kay Galeon na ang mga dayuhan sa iba pang lugar ay dapat na makinabang sa proyektong VIMS tulad ng ibang lalawigan at Metro Manila na nakikinabang na dito.
Iginiit ni LIbanan na hindi na dapat pang nagpupunta sa main office sa Intramuros, Maynila ang mga dayuhan upang mag-update lamang ng kanilang status at sa halip ay dapat na itong gawin na lamang sa mga satellite, district officers of subports na malapit sa kanila kayat inatasan nito si Galeon na madaliin ang implementas yon ng VIMS.
Ang VIMS ay siyang flagship project ni Libanan na inilunsad noong 2008 kung saan nagiging madali ang pagproseso sa pagkuha ng visa applications ng mga dayuhan at nakakapagpasok sa gobyerno ng malaking kita.