Lalaki tinodas ng kababata

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng kanyang kababata na matagal na niyang naka­alit, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nakilala ang nasawi sa si Arnold delos San­tos, 36, supervisor ng isang priba­dong kom­panya, at nanini­rahan sa Aglipay St., Brgy. Poblacion, ng natu­rang lungsod.

Pinaghahanap na­man ngayon ang tuma­kas na sus­­pek na nakila­lang si Bien­venido Per­moncillo Jr., kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng Manda­lu­yong police, naganap ang krimen dakong alas-7 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.  Naba­tid na nasa labas ng bahay si Delos Santos na abala sa pagti-text nang dumaan ang suspek at malapitan itong pinagba­baril.

Nabatid na nakalug­mok na ang biktima ay hindi pa rin ito tinatan­tanan ng pamamaril ng suspek na tumakas lamang nang makatiyak na wala nang buhay si Delos Santos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may alitan ang dalawa kung saan may naka­binbin pang kaso sa korte na “grave threat” na isinampa si Delos Santos kay Permon­cillo.

Show comments