Kelot dedo sa duwelo

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 62-anyos na lalaki nang pagsa­saksakin ng kanyang kainu­man sa kanilang duwelo nang magkapikunan sa pagtatalo sa Sitio Masagana, Muntin­lupa City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Benito Diaz, mekaniko, at residente ng Sitio Masagana, Brgy. Alabang sa naturang lungsod.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Rolando Parco, 50, re­sidente rin ng Sitio Masagana. Na­ganap ang insidente bandang alas-9:30 ng gabi habang nag-iinuman sina Diaz, Parco at ibang kasamahan.         

Sinabi ng testigong si Rialyn Dulay, 19, nag­ta­talo sina Diaz at Parco sa hindi malinaw na dahilan hang­gang bumunot ng pa­talim si Parco at nakakuha naman ng tubo ang biktima at nagdwelo sa gitna ng lan­sangan.

Nailagan umano ng sus­pek ang unang hataw ng tubo ni Diaz at nakatiyempo si Parco upang sunud-sunod na undayan ng saksak ang biktima.

Show comments