Parking lot ng mall tinaniman ng bomba

MANILA, Philippines - Nasawata ng pulisya ang posibleng pagsabog ng isang nakakahong “improvised bomb” na itinanim sa loob ng palikuran sa car park ng isang shopping com­plex sa Greenhills, San Juan City kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Chief Supt. Ben­jardi Mantele, Eastern Police District director, na nasa pangangalaga na ng bomb squad ang naturang kahon na naglalaman ng “rifle grenade” at pinag-aara­­lan ang komposisyon nito.

Hinihinala niya na po­sib­leng pananakot lamang ang target ng sinumang nasa likod nito dahil sa hindi naman lilikha ng ma­lakas na pagsabog at inila­gay pa sa lugar na hindi matao.

Ayon naman kay Sr. Insp. Romeo Panal ng San Juan Police, lumilibot ang K-9 Unit ng Greenhills Shop­ping Center sa ika­lawang palapag ng car park sa may Annapolis street nang maamoy ang abandonadong kahon sa loob ng palikuran.

Agad namang pinaalis ng mga rumespondeng pulis ang mga sibilyan na nasa car park at pinasabu­gan ng tubig ang kahon upang ma-disable ang posibilidad na pagsabog nito.

Nabatid naman na halos wala nang tao sa car park kung saan tanging mga sa­sakyan ng mga nanonood ng pelikula sa sinehan na lamang ang natira rito.

Show comments