MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang ginang at ang kina kasama nitong tomboy matapos pagtulungang gulpihin at pasuin ang 7-anyos na batang babae na anak ng una dahil naihi lamang ang biktima sa kanyang salawal habang ito ay natutulog kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Sinampahan ng ka song child abuse ang mga nakakulong na suspek na sina Rowena Radin, 29; at live-in nitong si Leonora Andrade (tomboy), 24, parehong nakatira sa Nadurata St., Maypajo ng lungsod na ito.
Samantala, ang biktima naman ay itinago sa pangalang Thelma, anak ng suspek na si Radin ay ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga pasa, latay at paso sa katawan.
Sa report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi habang natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang maihi ito sa salawal na naging dahilan upang mabasa ang mga unan at kumot.
Dahil dito, nagalit si Radin at pinaghahampas ng walis tingting at hanger ang anak kung saan pinaso naman ito ng may sinding posporo ni Andrade.
Natigil lamang ang ginagawa ng mga suspek nang magdatingan ang mga barangay tanod na tinawag ng mga kapitbahay at nang makita ang kaawa-awang biktima ay dinala ito sa nabanggit na pagamutan habang dinakip naman ang mga suspek at dinala ang mga ito sa presinto.