Vicki Belo 'swak' sa butt implant

MANILA, Philippines - Madidiin ang Belo Medical Group (BMG) at ang celebrity doctor na si Vicki Belo sa rek­lamong iniharap ng negos­yan­teng si Josefina Norcio ka­ugnay sa palpak na hydrogel butt augmentation.

Ayon kay Ross Bautista, Deputy Director for Intel­ligence Services (DDIS) ng National Bureau of Investi­gation (NBI) na base sa mga nakuhang ebidensiya, may ‘negligence’ sa panig ng BMG at ni Dr. Belo sa pag­hawak ng implant kay Norcio.

“During the BMG assess­ment on Norcio, based on her statement, Dr. Belo assured her that having hydrogel im­planted was okay. It was be­cause of that assurance that she was convinced to under­go the butt augmentation surgery according to the com­plainant,” ani Bautista.

Kabilang din sa nagpa­bigat ng kaso ang advertise­ment sa website ng BMG na ang hydrogel ay isang “per­ma­nent filler” na walang pa­nganib kahit i-implant sa pasyente.

Gayunman, maaari pa uma­nong mabago ang ina­asa­hang findings nila dahil hindi pa nila nakukunan ng paliwanag ng personal si Belo, na ayaw sumipot sa im­bestigasyon ng NBI.

Hindi rin umano nata­tag­puan ang isang nagsa­ilalim sa butt augmentation kay Norcio na si Dr. Ronaldo Cayetano.

Samantala, si Dr. Fran­cisco Decangchon Jr. pa la­mang ang nagbigay ng kan­yang paliwanag.

Show comments