Parak at tanod todas sa 'perya'

MANILA, Philippines - Isang pulis at isang ba­rangay tanod ang na­sawi habang isa pa ang sugatan nang pagbabarilin ng isang grupo ng mga sundalo dahil lamang sa pagtatalo sa operasyon ng peryahan sa lungsod Que­zon kaha­pon ng madaling- araw.

Base sa ulat ni Supt. Alex Sintin, hepe ng Que­zon City Police District-Police Station 3, kinilala ang nasawi na si PO3 Wil­fredo Macatangay ng Batasan Police Station 6 at ang tanod na si Alex Ber­samin ng Barangay Holy Spirit sa lungsod. Nakilala ang su­gatan na si Rey­naldo Iba­nez, purok lider ng natu­rang barangay.

Nasa pangangalaga naman ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police sa Camp Karingal ang mga sangkot na sundalong sina Staff Sgt. Elgar Aclan, 37; Cpl. Eugene Villavier, 32; PFCs. Delfin Viaje, 32; Ariel Molina, 29; Rafael Lantano, 31; Rannie Bar­tolay, 29; at Roberto Chi­ong, pawang mga miyem­bro ng Philippine Army-Civil Military Unit Battalion.

Lumilitaw sa imbes­ti­gasyon ng pulisya na da­kong alas-12:00 ng hating­gabi nang maganap ang barilan sa may Carnaval/ Perya sa Nawasa Road, Luzon Ave., Pasong Tamo sa lungsod.

Bago nito, nagkaroon ng komprontasyon sina Ibanez at isa sa mga sun­dalong suspek na lasing kaugnay sa operasyon ng perya sa nasabing lugar.

Sa kainitan ng pagta­talo ay pinaputukan ng sundalo si Ibanez na agad namang nasugatan ngunit sa kabila nito ay nagawa pang makahingi ng tulong sa mga kasamahang tanod.

Agad namang rumes­ponde sina Macatangay at Bersamin sakay ng sasak­yang SB-17 ngunit pagsa­pit dito ay pinagbabaril sila ng mga suspek.

Show comments