Kelot tumangging makipag-sex, kinatay

MANILA, Philippines – Dahil tumangging makipag-sex, isang lalaki ang napatay sa saksak ng kanyang kinakasama kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si Warren Valliespin, 29, ng Tanigue St., ng nabanggit na lungsod.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police ang suspek na si Cecilia Obregon, 31.

Naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling- araw sa bahay ng mag-live-in sa nabanggit na lugar.

Nabatid na lasing na dumating sa kanilang bahay ang suspek at ginising ang biktima upang makipag-sex ito sa lalaki. Dahil may nararamdaman ang biktima ay tumanggi ito sa babae na nauwi sa pagtatalo ng dalawa at hanggang sa nakahagilap ng patalim ang lalaki. Ngunit, nagawang makipag-agawan ng suspek ng patalim hanggang sa nasaksak nito ang biktima.

Matapos ang insidente ay kusang loob na sumuko ang suspek sa pulisya, kung saan kinatwiran nito na laging siyang sinasaktan ng biktima lalo na kung lasing ito. (Lordeth Bonilla)


Show comments