Kagawad timbog sa suhol

MANILA, Philippines – Arestado ang isang barangay kagawad matapos nitong arborin at   suhulan ng halagang P.2 milyon ang mga pulis na dumakip sa kanyang kaanak dahil sa kasong droga kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek ay kinilalang si Kagawad Yusop Domato, 50, ng Brgy. 188, Tala ng lungsod na ito. Lumalabas sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-11:45 ng gabi, nagsagawa ng drug-bust operation ang nabanggit na operatiba sa Quirino Highway, Dela Costa Sub­d., ng nabanggit na siyudad na dito naaresto ng mga pulis ang kaanak ni Domato, na nakilalang si Saidamen Alala, 36.

Nakumpiska ng mga pulis kay Saidamen ang 10 pirasong plastic sachet, na naglalaman ng shabu.Nang malaman ni Domato, na dinakip ng mga pulis ang kan­yang kaanak kaagad itong nagtungo sa tanggapan ng pulisya. Dito ay sinuhulan umano ni Domato ang mga pulis ng halagang P200,000 kapalit ng paglaya ng kan­yang kaanak.

Dito na inaresto si Domato at sinampahan ng kasong attempted to corrupt public officer. (Lordeth Bonilla)

Show comments