Misis nagbigti

Patay ang isang 47-anyos na single mother makaraang magbigti umano ito matapos na makipag-usap sa tele­pono sa kanyang nob­yong dayuhan kama­ka­lawa ng gabi sa Marikina City.

Idineklarang dead on arrival sa St. Vin­cent Hos­pital ang bikti­mang si Norma Velas­quez, resi­dente ng Co­rinthian St., Oro Vista Subdivision, Brgy. Con­cepcion Uno ng lungsod na ito.

Ayon kay PO1 Nel­son Cruz, may hawak ng kaso, dakong alas-10:10 ng gabi nang matagpuan ang bik­tima ng kanyang anak na babae sa ika­lawang palapag ng ka­nilang bahay na nakabigti gamit ang mahabang electric wire na ipinu­lupot sa kanyang leeg at isina­bit sa kisame ang ka­bilang dulo.

Sa pahayag ng anak ng biktima na hindi na nagpabanggit ng panga­lan, bago ang pagpapa­ka­matay ay nakita pa niyang ka­usap ng kan­yang ina ang nobyo nitong Arabo sa cell­phone at umiiyak na ito.

Matapos ang pag- uusap ay umakyat na umano ang kanilang ina sa kuwarto nito sa ika­lawang palapag ng bahay.

Makalipas ang may ilang oras na hindi luma­bas ng kanyang kuwarto ang biktima ay minabuti na itong pun­tahan ng kanyang anak upang kausapin sana subalit laking gulat nito ng bu­mu­ngad sa kan­yang hara­pan ang biktima na nakabigti.

Mabilis na naisugod sa nasabing pagamu­tan ang biktima ng mga ka­anak subalit wala na ring nagawa ang mga su­muring doktor.

Teorya ng pulisya na posibleng nagka­roon ng personal na problema ang biktima sa kanyang nobyo dahilan upang malung­kot ito at maisi­pang magpakamatay.

Show comments