Riding-in-tandem gang gigiyerahin

Nagdeklara ng all out war ang pamunuan ng Eastern Police District laban sa mga motorcycle riding-in-tandem robbery gang na kadalasang bu­mibiktima sa mga kliyente ng banko.

Pinangunahan ng mga chief of police ng lungsod ng San Juan, Marikina, Manda­luyong at Pasig ang pagro­ronda sa mga commercial areas na kanilang nasasa­kupan para personal na pa­munuan ang ginagawang checkpoints at chokepoints sa kanilang mga lugar.

Ang pagsasagawa ng all out war sa mga riding-in-tandem robbery group ay bilang pagsunod sa kautusan ni EPD Director chief Supt. Leon Nilo Dela Cruz dahil sa magkakasunod na holda­pang naganap kung saan ang mga suspek ay pawang lulan ng motorsiklo at armado ng baril.

Nabatid na sa loob lang ng mahigit isang buwan ay apat na ang malalaking hol­dapan na sangkot ang riding -in-tandem group at nam­biktima ng mga negosyan­teng naglalabas ng malaking halaga ng pera sa banko.

Show comments