Bading na hairdresser ni Ricky Reyes nagbigti

Isang 22-anyos na uma­no’y bading na hairdresser ni Ricky Reyes ang nagpaka­matay sa pamamagitan ng pag­bigti kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Hinihinalang may ilang oras nang patay bago natag­puan ang bangkay ni Boni­facio Yabut, hairdresser ng Ricky Reyes Salon sa Farmers mar­ ket branch sa Cubao Que­zon City at residente ng 1733 In­terior 6, Barrio San Vicente Pedro Gil, Pandacan.

Sa report ni Det. Paul Dennis Javier ng  Manila Po­lice District-homicide division, dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ng kapatid nitong si Eleonor Bal­boa ang biktima na naka­bitin ang leeg sa kisame gamit ang isang electrical cord sa loob ng kuwarto nito.

Ayon kay Eleonor, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-12:30 ng hating­gabi habang nanonood ito ng television.

Idinagdag pa ni Eleonor, wala silang alam na dahilan kung bakit nagpakamatay ang kanyang kapatid dahil wala silang alam na prob­lema nito subalit sa narekober na suicide note ay nakasaad na pagod na umano ito sa araw-araw na ginagawa niya sa kanyang buhay.

Hiniling din ng biktima sa kanyang suicide note na i-cre­mate ito at huwag ding ipama­malita sa kanyang mga kasa­ma­han sa salon na patay na ito hang­gang hindi inililibing.

Show comments